Published by Tatayhood and TAGM Marketing Solutions Inc.
2 Dads. Real parenting fails. Real lessons. Dahil walang manual ang pagiging magulang, pero araw-araw may natututunan. Hosted by Tristan & Ingo
Listen on Apple Podcasts41 min
Sa episode na ito, napag-usapan namin ang mga petty things na kinakainisan namin sa mga partners namin.
42 min
May mga tanong na tahimik lang nating kinikimkim. Mga tanong na hindi natin sinasabi nang malakas dahil parang malas. Parang masakit isipin. Pero kung ikaw ay may taong umaasa sa'yo araw-araw, malamang minsan mo na rin itong naitanong sa sarili mo: "Paano kung dumating ang araw na hindi ko na sila kayang alagaan?" Inspired by the moving book Goodbye, Peter Pan ni Jeon Gyeong-cheol, pag-uusapan natin ang isang takot na hindi lang nararanasan ng mga magulang ng batang may autism. Takot din ito ng anak na nag-aalaga sa tumatandang magulang, ng kapatid na umaalalay sa kapatid na may kapansanan, ng asawang araw-araw na kasama ang partner na may malalang sakit, at ng sinumang naging pangunahing sandigan ng isang taong mahal nila. Sa episode na ito, pag-uusapan natin ang mga bigat na madalas hindi nakikita ng iba—ang pagod, guilt, burnout, at pakiramdam na parang bawal kang mapagod dahil may umaasa sa'yo. Pero higit sa lahat, pag-uusapan natin kung paano natin maipapakita ang pagmamahal nang hindi natin kailangang buhatin ang buong mundo mag-isa. Bakit mahalagang humingi ng tulong? Paano tayo makakapaghanda para sa kinabukasan nang hindi pakiramdam ay sumusuko na tayo? At paano natin aalagaan ang sarili habang patuloy nating inaalagaan ang iba? Dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi lang nasusukat sa dami ng sakripisyong kaya nating ibigay ngayon. Nasusukat din ito sa paghahandang ginagawa natin upang manatiling ligtas at maayos ang buhay ng mga mahal natin—kahit dumating ang araw na wala na tayo o hindi na natin kaya. Kung ikaw ay isang tatay, anak, asawa, kapatid, o sinumang caregiver, ang episode na ito ay para sa'yo. Sana, pagkatapos mong makinig, hindi lang gumaan nang kaunti ang bigat na dala mo—kundi magkaroon ka rin ng lakas ng loob na alagaan ang sarili mo, humingi ng tulong, at magsimulang magplano para sa mga taong pinakamahalaga sa buhay mo. Dahil minsan, ang pinakamagandang paraan ng pag-aalaga ay ang paghahandang hindi na sana nila kailangang harapin ang buhay nang mag-isa.
34 min
Uuwi ka galing sa mahabang araw, gustong mag-share ng stress, pero pagdating sa bahay... phone ang kausap. Pisikal silang nandoon, pero ang emosyon ay nasa ibang planeta. Bakit nga ba nagiging "emotionally unavailable" ang partner natin? Kasalanan ba natin, o baka ubos lang talaga sila?
53 min
Mga tay, napapansin niyo ba na parang lagi tayong pagod? Hindi lang dahil sa trabaho, bills, o responsibilidad sa bahay—kundi dahil pakiramdam natin kailangan nating ayusin ang lahat. Kailangan okay si misis. Kailangan masaya ang mga anak. Kailangan walang problema ang pamilya. Kailangan naiintindihan ng lahat ang mga desisyon natin. At kailangan, kahit papaano, patunayan nating sapat tayo. Pero paano kung hindi naman pala lahat ng bigat na ‘yan ay responsibilidad natin? Sa episode na ito ng Tatayhood, pag-uusapan natin ang apat na bagay na hindi mo kailangang pasanin: ang kaligayahan ng ibang tao, ang pag-rescue sa lahat ng may problema, ang pagpapaintindi sa lahat ng desisyon mo, at ang pagpapatunay ng halaga mo sa ibang tao. Pag-uusapan din natin ang malaking pagkakaiba ng caring at carrying—ang pagmamalasakit sa isang tao kumpara sa pagpasan ng problemang sila mismo ang kailangang matutunang harapin. Kailan nagiging enabling ang pagtulong? Kailangan mo bang ayusin agad kapag bad mood si misis o disappointed ang anak mo? Bakit okay lang na hindi maintindihan ng ibang tao ang boundaries at choices mo? At bakit hindi mo kailangang magpakitang-gilas para lang maramdaman na sapat kang tatay, asawa, o lalaki? Mga tay, hindi mo kailangang pasanin ang buong mundo para masabing mabuti kang tao. Minsan, ang kailangan lang natin ay matutong bitawan ang mga bagahe na hindi naman sa atin sa simula pa lang. Dahil hindi mo pasan ang daigdig. Ikaw lang ang may hawak ng manibela ng sarili mong buhay.
52 min
Maraming tatay ang nag-aalaga ng katawan. Yung iba, inaalagaan din ang mental health. Pero may isang bahagi ng kalusugan na madalas nating nakakalimutan: social health . Sa episode na ito ng Tatayhood, pinag-uusapan nina Tristan at Ingo kung bakit posible pa ring makaramdam ng lungkot, pagod, at isolation kahit may pamilya, trabaho, at barkada ka sa group chat. Ano nga ba ang social health? Bakit ito mahalaga sa mga tatay? At paano nakakaapekto ang kakulangan ng meaningful connections sa stress, burnout, at kahit sa physical health natin? Mula sa pagkawala ng barkada dahil sa responsibilidad, hanggang sa pagiging "provider mode" 24/7, tatalakayin natin ang tahimik na kalungkutan na maraming lalaki ang nararanasan pero bihirang pag-usapan. At higit sa lahat, pag-uusapan natin kung paano muling bumuo ng koneksyon—sa mga kaibigan, komunidad, at sa sarili. Dahil minsan, ang problema ay hindi dahil mahina ka o pagod ka lang sa trabaho. Baka kulang ka lang sa tao. 🎙️ Isang tapat, nakakatawa, at nakakaantig na usapan tungkol sa social health, loneliness, at kung bakit hindi kailangang dalhin ng mga tatay ang lahat nang mag-isa.
46 min
Sino na talaga ang gold digger sa panahon ngayon? Dati, simple lang ang stereotype: mayamang lalaki, magandang babae, at pera ang dahilan ng relasyon. Pero habang dumarami ang mga babaeng breadwinner, successful professionals, at business owners, nagbabago rin ba ang dynamics ng modern relationships? Sa episode na ito, pinag-uusapan nina Tristan at Ingo ang isang debate na nagsimula bilang simpleng usapang mag-asawa pero nauwi sa mas malaking tanong: may male gold digger na ba talaga? O unfair lang ang standards natin kapag lalaki ang umaasa? Pag-uusapan natin ang: • Breadwinner wives at stay-at-home dads • Ang pagkakaiba ng supportive partner at pabigat • Emotional labor at invisible workload • Ang "soft life" trend sa mga lalaki • Healthy partnership versus one-sided dependence • Paano nagbabago ang pagiging provider sa modernong pamilya Hindi ito battle of the sexes. Hindi rin ito laban ng lalaki kontra babae. Ang tunay na tanong: kapag may isang taong nagbibigay at may isang taong puro tumatanggap, relasyon pa ba iyon o transaksyon na? Makinig, makisali sa usapan, at sabihin sa amin: "Saan ba ang linya sa pagitan ng suporta at pagiging gold digger?" ⚠️ Warning: Maaaring pagmulan ito ng diskusyon ninyo ng asawa mamayang gabi. #TatayhoodPodcast #Relationships #Marriage #Breadwinner #ModernFamily #Parenting #MoneyTalks #Partnership
55 min
Kung ang anak mo ay may special needs, at sinabihan kang mag-therapy siya para mas maayos ang buhay niya—gagawin mo ba ang lahat? Kahit maubos ka?" Sa episode na ito, binasa namin ang isang napakabigat na sulat mula sa isang nanay na hinarap ang tanong na ito. Dahil sa wagas na pagmamahal sa kanyang 6-year-old na anak na may Autism Spectrum Disorder (ASD), pumasok siya sa kumunoy ng mga Online Lending Apps (OLA) para lang matustusan ang therapy. Ngayong nalulunod na siya sa utang at burnout, paano nga ba haharapin ng isang pamilya ang ganitong klaseng laban? Pag-uusapan natin ang mental health toll sa mga magulang, ang pressure sa mag-asawa, at ang mga praktikal, research-based na hakbang at libreng komunidad (tulad ng DSWD, PhilHealth, at Autism Society Philippines) na pwedeng lapitan para hindi ka mag-isang lumalaban. Kasama mo kami sa Tatayhood. Hindi ka nabigo. Mga resources na pwede makatulong kung may pinagdadaanan kang ganito: Autism Society Philippines autismsocietyphilippines.org PWD ID I-apply sa MSWD ng LGU — libre, at may 20% discount benefits PhilHealth Z-Benefit Package Para sa ASD — tanungin ang PhilHealth branch SEC Complaint vs. OLA sec.gov.ph — para sa harassment at illegal collection DSWD Assistance Mag-visit ng pinakamalapit na DSWD office NCMH May outpatient at therapy services — government rates
59 min
Single dad ka na… tapos Grade 4 pa yung kalaban mo. Sa episode na ’to ng Tatayhood, usapang survival mode kami nina Tristan at Ingo tungkol sa realidad ng pagpapalaki ng 9-year-old habang ikaw lang ang adult sa bahay. Ikaw ang provider, disciplinarian, tutor, taga-luto, taga-remind ng assignment, emotional support… at somehow, kasalanan mo pa rin bakit nawawala yung isang medyas. Funny siya minsan — dahil kung hindi ka tatawa, baka maiyak ka na lang. Pag-uusapan namin yung pressure ng solo parenting, yung pagod na bawal mong ipakita, yung guilt sa fast food at screen time, at yung lungkot na bihirang may magtanong kung okay ka pa ba. Kasama rin yung weird emotional phase ng mga batang Grade 4 — yung edad na nagsisimula na silang makahalata, magtanong, at minsan mas maintindihan ka kaysa gusto mong aminin. May kwentuhan tungkol sa: • pagiging “walang tag team” • discipline without becoming emotionally distant • dating as a single dad • yung fear na baka nagkakamali ka bilang magulang • at yung small victories na walang nakakakita… pero sobrang bigat sa puso kapag naranasan mo This episode is for the dads quietly doing everything alone. Yung mga pagod pero tuloy lang. Yung hindi perfect — pero present. Because at the end of the day… a child doesn’t always remember the perfect moments. They remember who stayed.
39 min
“Akala ko magiging masaya lang maging tatay… hindi ko inexpect na sobrang nakakatakot din pala.” Isang letter sender episode tungkol sa pressure ng pagiging bagong migrant sa Australia, paghahanda sa kambal, at yung silent anxiety na madalas kinikimkim lang ng mga tatay.
37 min
Sa episode na ’to ng Tatayhood, usapang totga, ego, loyalty, at temptation pagkatapos mong magtagumpay. Isang sulat mula sa isang tatay na iniwan noon dahil wala pa siyang pera, walang sasakyan, at puro pangarap lang ang hawak. Pero matapos ang ilang taon — may negosyo na, may bahay, may kotse, at walong branches na ng negosyo — biglang bumalik ang ex na dating nang-iwan sa kanya. At doon nagsimula ang gulo. Nag-chat. Nagkumustahan. Nag-VC. Umiyak ang ex. At bumalik lahat ng nararamdaman niya. Pero ang pinakamabigat na tanong: Paano mo iiwan yung babaeng naniwala sa’yo nung wala ka pa? Yung kasama mo sa gutom. Yung kasama mo sa unang sabon station. Yung hindi ka pinamukhang pabigat kahit siya bumubuhay sa inyo noon. Sa episode na ito, sina Tristan at Ingo pag-uusapan: • Totoo bang nagsisisi ang ex — o nanghihinayang lang? • Bakit sobrang delikado ng validation galing sa taong dating nangmaliit sa’yo • Difference ng “totga” vs ego • Bakit maraming lalaki ang nahuhulog ulit kapag successful na sila • At bakit minsan… hindi love ang gusto mo maramdaman — panalo Funny, brutal, at painfully honest ang usapan — may halong networking jokes, real relationship truths, at mga linyang diretso sa ego ng mga lalaki. “‘Yung kibot ng puso mo nung nakita mo siya — okay lang ’yun. Human ka. Pero ’yung pipiliin mo pagkatapos — doon ang lalaki mo.”
42 min
May kilala ka bang tatay na… parang wala naman talaga? Sa episode na ito, walang halong arte — sinagot namin ang tanong na takot nating itanong. Ano talaga ang difference ng isang tatay at isang lalaki lang na nandiyan sa bahay? Real talk. Walang judgement. Pero hindi rin namin pipigilan ang katotohanan. Tatayhood — walang manual, pero puro actual
52 min
Sa episode na ito, napag-usapan namin ang moving up ceremony ng mga SPED at Neuro-typical kids. Di rin napigilan umiyak ni Ingo.. alamin niyo nalang kung bakit kaya makinig kayo. Kung kailangan niyo mag-diet, try niyo ang Fresh Nest by Ketorrificph. pwede kayo umorder sa kanila from their website- https://ketorrificph.cococart.co/
1 hr 3 min
Kapag may special needs ang anak mo, parang may automatic upgrade sa buhay mo—biglang may bagong role: therapist. Pero teka… kailangan ba talaga? Sa episode na ito ng Tatayhood , kasama natin si Teacher Fidji, isang special education teacher, para pag-usapan ang malinaw pero madalas nalilimutang linya: ang pagkakaiba ng trabaho ng therapist at ng isang tatay. Simula pa lang, haharapin na natin ang tanong: 👉 “Hanggang saan ba ang role ng tatay… at saan nagsisimula ang trabaho ng therapist?” Ipapaliwanag ni Teacher Fidji kung ano ba talaga ang ginagawa ng mga therapist—mula speech, occupational, hanggang behavioral therapy—and kung bakit hindi ito basta pwedeng i-DIY sa bahay. May dahilan kung bakit may training at structure ang mga professionals. Pero dito nagiging interesting: Magkaiba ang Therapist Mode at Tatay Mode . Ang therapist, may system, may goals, may structure. Ang tatay? Siya ang nagbibigay ng safety, connection, at pagmamahal. At dito papasok ang real talk: 💥 “Kapag naging therapist ka buong araw… sino na lang ang magiging tatay?” Pag-uusapan din natin ang mga common mistakes ng mga tatay: — Yung bawat galaw kinokorek — Yung minamadali ang progress — Yung kinukumpara sa ibang bata — At yung playtime na nagiging therapy session Minsan, sa kagustuhan mong tumulong… napepressure na pala ang anak mo. Sa tulong ni Teacher Fidji, babalikan natin kung ano ba talaga ang kailangan ng mga bata: ❤️ Safety ❤️ Consistency ❤️ Patience ❤️ Presence Dahil ang totoo: 👉 Mas mabilis matuto ang bata kapag safe siya — hindi kapag pressured. Hindi rin ito laban ng “tatay vs therapist.” Ito ay teamwork. Matututunan mo kung paano makipagtrabaho WITH therapists: — Ano ang dapat mong gawin sa bahay — Paano i-reinforce (hindi i-replicate) ang therapy — Bakit consistency ang mas mahalaga kaysa perfection — At paano i-celebrate ang small wins Sa huli, babanat tayo ng Q&A at real talk moments kasama si Teacher Fidji: — Ano ang pinaka-common na maling ginagawa ng parents? — Ano ang wish niya na mas maintindihan ng mga tatay? — At ano ang isang bagay na dapat tigilan ASAP? 🔥 Signature Tatayhood Message: Hindi mo kailangang maging therapist para matulungan ang anak mo. Kailangan mo lang maging consistent, present, at marunong makinig. Kung tatay ka na minsan nalilito kung tama pa ba ang ginagawa mo—episode na ‘to para sa’yo. #Tatayhood #SpecialNeedsParenting #AutismAwareness #ParentingRealTalk
1 hr 6 min
Sa episode na ito, napag-usapan namin ang family background ni James Caraan.
1 hr 6 min
Eto naman ang side ng kwento ng asawa ni Den (guest from Episode 170) Pakinggan natin kung ano nga ba talaga ang nangyari sa POV ni husband.
57 min
Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging “tatay”? Sa episode na ito, pag-uusapan natin ang isang topic na hindi madalas nabibigyan ng space sa typical dad conversations — ang pagiging gay at pagiging ama . Paano mo ipapaliwanag sa anak mo kung sino ka? Kailangan ba talagang mag-fit sa “traditional image” ng tatay? At higit sa lahat — ano ba talaga ang mahalaga sa pagpapalaki ng anak? Kasama sina Tristan at Ingo, uusisain natin: Ang pressure ng society sa “ideal father figure” Paano nagiging role model ang isang tatay, regardless of orientation Mga real struggles: judgment, identity, at pagpapalaki ng anak sa modern world At syempre, paano mo ipaparamdam sa anak mo na buo ang pamilya ninyo—kahit iba sa nakasanayan
41 min
Hindi lahat ng away mag-asawa tungkol sa ugali, pera, o selos. Minsan, may invisible third party—at hindi ito kabit… kundi magulang. Sa episode na ’to, sina Ingo at Tristan, walang preno sa paghimay ng isa sa pinaka-sensitive na usapin sa marriage: hanggang saan ang respeto sa magulang, at saan nagsisimula ang boundaries bilang asawa? Usapang walang plastik: ✔️ Kailan nagiging “Mama’s Boy” ang isang lalaki ✔️ Bakit hindi sapat ang love kung wala kang paninindigan ✔️ Obedience vs respect—ano ba talaga ang gusto mo sa partner mo? ✔️ At ang pinaka-real talk: handa ka na ba maging haligi ng sarili mong pamilya… o naka-anchor ka pa rin sa dati? Hindi ito laban ng babae at lalaki. Hindi rin ito laban ng asawa at magulang. 👉 Laban ito ng maturity vs pagiging dependent. Kung tatay ka—o magiging tatay pa lang—critical ’tong episode na ’to. Dahil sa huli, ang tanong: Kaya mo bang piliin ang pamilyang binuo mo… kahit hindi sang-ayon ang pamilyang pinanggalingan mo? 🎙️ Tatayhood—walang expert, walang manual… PURO ACTUAL.
55 min
Sa episode na ito ng Tatayhood , haharap tayo sa isang realidad na madalas minamaliit—ang tunay na epekto ng panloloko sa isang babae. Hindi lang ito tungkol sa galit. Hindi lang ito simpleng “move on na.” Pag-uusapan natin kung paano naaapektuhan ang puso, isip, at higit sa lahat, ang self-worth ng isang babaeng niloko. Kasama ang ating guest, bubuksan natin ang mga tanong na kadalasang hindi nasasagot: Ano ba talaga ang unang nararamdaman kapag nalaman mong niloloko ka? Mas masakit ba ang mismong cheating, o ang kasinungalingan na kasama nito? At bakit kahit alam na ang totoo, may mga babaeng nananatili pa rin? Dito rin natin sisilipin ang side na bihirang maintindihan ng mga lalaki—ang emotional damage na hindi nakikita agad, ang pagkawala ng tiwala na hindi basta nabubuo ulit, at ang mga sugat na hindi kayang hilumin ng simpleng “sorry.” Para sa mga tatay at kalalakihan, ito ang episode na magpapaalala: ang panloloko ay hindi lang pagkakamali—may malalim itong epekto na dala ng matagal. At para sa mga babaeng nakakaranas nito ngayon, o dumaan na dito—hindi ka nag-iisa. Isang tapat, masinsinan, at minsan masakit na usapan tungkol sa betrayal, healing, at pagbangon. Dahil sa Tatayhood, walang manual—pero may mga kwentong totoo.
46 min
Sa episode na ito kasama namin si James Caraan, nag-umpisa ang usapan namin sa viral issue ngayon ng congressman na nag-init at napunta na rin sa usapang 90s.
50 min
Sa episode na ito, kasama namin ang isa sa mga pioneer listeners namin na si Neil na may limang anak. Paano nga ba ang dynamics ng may limang anak sa panahon ngayon? Mahirap ba? mabigat ba? kinig na para malaman niyo.
Bring this source into Mato to analyze its transferable patterns and turn them into an original show concept for your audience.
Create a show inspired by this